|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Linggo, Mayo 10, 2020 ng Radio France International (RFI) ang artikulong pinamagatang "Sa harap ng pandemiya, hindi gumagana ang pinakamalakas na bansa sa daigdig."
Sa nasabing artikulo na sinulat ni Anne Corpet, Correspondent ng RFI sa Amerika, kumpleto niyang sinariwa ang paraan ng paghawak ng pamahalaan ni Donald Trump sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic mula noong Enero 18 hanggang Mayo 8.
Nakikita sa nasabing artikulo na sa simula pa lamang, pinabulaanan ni Trump ang lubha ng pandemiya at hindi agad isinagawa ang mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol.
Pagkatapos nito, ibinaling niya sa partido oposisyon, Tsina, World Health Organization (WHO), pamahalaan ni dating Pangulong Barack Obama at iba pang panig ang sariling pananagutan.
Sa kasalukuyan, sa kabila ng lubha ng pandemiya, ang pagpapanumbalik ng kabuhayang Amerikano ang siyang tanging mahalaga kay Trump.
Saad ni Corpet, malinaw ang pagkabigo ng Amerika sa pagharap sa kasalukuyang pandemiya, pero ang kaguluhan ng pangangasiwa ni Trump ay nagpasidhi ng kalagayan ng pandemiya.
Aniya, kahit ang pagsiklab ng pandemiya sa Amerika ay kasunod lamang ng sa Asya at Europa, hindi pa rin ito naging handa upang tugunan ang pagkalat ng pandemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |