Sa okasyon ng Pandaigdigang Araw ng mga Nars (International Nurses Day) bukas, Mayo 12, ipinahayag Lunes, Mayo 11, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang taos-pusong pagbati at pangungumusta sa malawak na masa ng mga nars ng buong bansa.
Tinukoy ni Pangulong Xi na makaraang maganap ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sumugod ang maraming nars sa unang hanay ng pakikibaka laban sa epidemiya sa loob at labas ng bansa. Sila aniya ay nakakapagbigay ng mahalagang ambag para mapagtagumpayan ang epidemiya, at maigarantiya ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng iba't-ibang apektadong bansa.
Diin pa ni Xi, dapat mahalin ng mga pamahalaan sa iba't-ibang antas ang mga nars, at dapat din silang unawain at suportahan ng buong lipunan.
Salin: Lito