Ipinahayag Mayo 11, 2020, sa regular na preskon na idinaos sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagpapatupad ng seasonal fishing ban ng Tsina sa South China Sea ay makatuwirang hakbangin ng Tsina, at walang karapatan ang Biyetnam na magbigay ng anumang pahayag hinggil dito.
Ayon sa ulat, ipinahayag Mayo 8 ng Biyetnam na inihain nito ang protesta sa Tsina dahil sa fishing ban sa South China Sea, at hiniling sa Tsina na itigil naturang aksyon upang di lalong lumalala ang kalagayan ng South China Sea. Sinabi din ng Vietnam Fisheries Association na ang hakbang ng Tsina ay pananalakay sa soberanya ng Biyetnam sa naturang dagat, at nanawagan sa mga mangingisda na dagdagan ang pangingisda at pangalagaan ang makatawirang karapatan.
Ipinahayag ni Zhao na ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina at walang anumang alitaan hinggil dito. Ayon sa batas na pandaigdig at mga batas ng Tsina, ang Tsina ay mayroong soberanya at karapatang mamahala sa mga nasabing bahagi ng South China Sea.
Salin:Sarah