|
||||||||
|
||
Lunes, Enero 28, 2019, nagpadala ng mensaheng pambagong-taon sa isa't-isa sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa , at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa.
Sa mensahe, sa ngalan ng partido, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino, at mula sa kanyang sarili mismo, ipinahayag ni Pangulong Xi ang taos-pusong pangungumusta at pagbating pambagong-taon sa partido, pamahalaan, at mga mamamayang Biyetnames. Ani Xi, noong isang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam. Nitong 10 taong nakalipas, napahigpit ng dalawang bansa ang tradisyonal na pagkakaibigan, napalakas ang pagpapalitan, at napalalim ang pagtitiwalaan, aniya pa.
Sa kanya namang mensahe, sa ngalan ng partido, estado, at mga mamamayang Biyetnames, at kanyang sarili mismo, ipinaabot ni Nguyen Phu Trọng ang magandang pagbating pambagong-taon sa partido, estado, at mga mamamayang Tsino. Sa taong 2019, nakahanda aniya ang panig Biyetnames na patuloy na magsikap kasama ng panig Tsino, upang mapasulong ang pagtatamo ng substansyal na progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |