Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Hulyo 12, 2019 kay Nguyen Thi Kim Ngan, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat palakasin ng dalawang bansa ang koneksyon ng estratehiyang pangkaunlaran para mapataas ang kalidad at lebel ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Aniya, dapat gawing pundasyon ang pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, at dapat pangalagaan ng dalawang panig ang kapayapaan at katatagan sa dagat sa aktuwal na aksyon. Bukod dito, dapat din aniyang palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga suliraning pandaigdig para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang panig.
Ipinaabot naman ni Nguyen Thi Kim Ngan kay Xi ang taos-pusong pangungumusta at mabuting pagbati ni Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Pangulo ng bansa. Ipinahayag niya na hindi makakalimutan ng partido, bansa, at mga mamamayang Biyetnames ang mahalagang pagkatig at tulong na ibinigay at ibinibigay ng Tsina.
Salin: Li Feng