Patuloy ang paglalakbay-suri ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Lalawigang Shanxi, at ang Lunsod ng Taiyuan ay ika-2 hinto ng kanyang biyahe.
Magkasunod siyang bumisita sa isang sentro ng serbisyo ng mga suliraning administratibo at Shanxi Taigang Stainless Steel Co., LTD, para alamin ang kalagayan ng pagbabago at pagpapataas ng antas ng tradisyonal na industriya ng pagyari, pagbalik sa trabaho't produksyon ng mga bahay-kalakal, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pagpigil at pagtugon sa polusyon at iba pa.
Salin: Vera