
Ayon sa estadistika ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang noong Mayo 11, 2020 (local time), lumampas ng 1.34 milyon ang mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at mahigit 80 libo ang namatay. Ang malubhang kalagayan ng epidemiya ay nagbunsod ng katanungang: Gaanong katagal na bang may COVID-19 sa Amerika?
Bukod dito, noong Hulyo ng nakaraang taon, sa mga lugar na malapit sa Fort Detrick, isang biolohikal na base ng hukbong Amerikano, lumitaw ang "Vaping Disease" na may katulad na sintomas ng COVID-19. Sinimulan ng Amerika ang pagbebenta ng e-cigarettes noong 2007, pero bakit nagkaroon lang ng "Vaping Disease" nitong 2019? Marami ang nagpahayag ng opinyon sa loob at labas ng Amerika na humiling sa pamahalaang Amerikano na ipaliwanag ang relasyon sa pagitan ng pagsasara ng Fort Detrick, "Vaping Disease," influenza outbreak, at COVID-19.

Ayon pa rin sa ulat ng USA Today, isang pahayagan ng Amerika, naganap ang ilang daang insidente ng kontak sa mga tao sa deadly microorganisms sa Amerika sapul noong 2003. Ayon sa isang ulat na inilabas noong 2009 ng Pambansang Kawanihan ng Pagtutuos ng Kuwarenta ng Amerika,naganap ang 400 insidente sa loob at labas ng Amerika noong nakaraang 10 taon. Ang isyu ng kaligtasan ng laboratoryong biolohikal ay pinakamalaking panganib na kinakaharap ng Amerika.
Salin:Sarah