Sinabi nitong Miyerkules, Mayo 13, 2020 sa Beijing ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Kanada at komunidad ng daigdig, na patuloy na pabilisin ang pagdedebelop at pagpoprodyus ng mga produktong medikal kaugnay ng laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at gawin ang ambag para sa pangangalaga ng seguridad na pangkalusugan sa buong mundo at paglaban sa pandemiya.
Ayon sa ulat, ipinahayag nitong Martes ng National Research Council ng Kanada na nakikipagkooperasyon ang panig Canadian sa CanSino Biologics Inc. ng Tsina, upang magkaloob ng ginhawa sa pagsubok ng bakuna sa Kanada sa hinaharap.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na napakahalaga ng pagdedebelop ng bakuna para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at ito rin ang susi upang mapuksa pagpuksa ng sangkatauhan ang epidemiya.
Aniya, aktibong isinasagawa ng panig Tsino, kasama ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Kanada, ang kooperasyong pandaigdig sa pagdedebelop ng gamot at bakuna.
Salin: Vera