|
||||||||
|
||
Ayon sa isang bagong mosyong iniharap ng ilang senador ng Republican Party ng Amerika, kung hindi ipagkakaloob ng Tsina ang komprehensibo at kompletong paliwanag tungkol sa COVID-19 at sasarhan ang di-umano'y "wet market," bibigyan ng kapangyarihan ang administrasyong Amerikano na magpataw ng sangsyon laban sa Tsina.
Bilang tugon, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Mayo 13, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing mosyon ay ganap na bumabalewala sa katotohanan. Aniya, layon nitong ibaling ang sisi sa Tsina para pagtakpan ang kanilang sariling kamalian sa pakikibaka laban sa epidemiya. Ito ay sobrang imoral at mariing tumututol dito ang panig Tsino, ani Zhao.
Sinabi ni Zhao na isinabatas na ng Tsina ang komprehensibong pagbabawal ng pangangaso, kalakalan, transportasyon, at pagkain ng mga na maiilap na hayop. Ang di-umano'y "wet market" na sinasabi ng Amerika ay di-matatagpuan sa Tsina, dagdag pa niya.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |