Bilang tugon sa pahayag ng panig Amerikano na tinangkang i-hack ang mga coronavirus research institute nito ng Tsina, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Mayo 14, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagbibitaw ng walang batayang pahayag ay hindi papatay sa virus, at ang paninira at pagbibintang ay hindi rin susi sa pagtatagumpay sa COVID-19.
Ipinahayag ni Zhao na sa kasalukuyang kalagayan ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa buong daigdig, ang anumang cyber attack na humahadlang sa pagpupunyagi ng buong daigdig sa pakikibaka laban sa epidemiya ay dapat magkakasamang kondenahin ng mga mamamayan ng buong mundo.
Dagdag pa niya, ipinahayag ng panig Tsino ang matinding kawalang-kasiyahan at mariing pagtutol sa nasabing pagdungis at pagbibintang ng panig Amerikano sa Tsina.
Salin: Lito