Bilang tugon sa bintang ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, sa pamahalaang Tsino na hindi nito inilabas ang tunay na impormasyon na naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 pandemic, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Mayo 14, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahit na ulit ulitin ang naturang kasinungalinan, mananatili pa rin itong kasinungalingan.
Ipinahayag ni Zhao na maraming beses na inilahad ng panig Tsino ang mga hakbang nito sa pagharap sa epidemiya. Napakalinaw ng katotohanan, ani Zhao.
Dagdag pa niya, umaasa ang panig Tsino na sa bukas, maliwanag, at responsableng atityud, agarang tutugunan ng panig Amerikano ang pagkabahala ng mga mamamayan nito, at isasagawa ang mga aktuwal at mabisang hakbangin para mapangalagaan ang seguridad ng buhay at kalusugan ng sariling mamamayan.
Salin: Lito