Ayon sa datos na inilabas ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Abril 14, 2020, pagpasok ng kasalukuyang taon, ipinatupad ng Tsina ang mga patakaran at hakbangin sa pagpapatatag ng puhunang dayuhan, at walang humpay na lumalakas ang kompiyansa ng mga mamumuhunang dayuhan. Noong Abril, umabot sa 70.36 bilyong yuan RMB ang Foreign Direct Investment (FDI) sa Chinese mainland, na lumaki ng 11.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ang kauna-unahang paglago ng nasabing datos nitong nakalipas na 3 buwan.
Ayon sa datos ng nasabing ministri, mula Enero hanggang Abril, 286.55 bilyong yuan RMB ang FDI sa Chinese mainland. Kabilang dito, 46.83 bilyong yuan ang FDI noong Pebrero, na bumaba ng 25.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon; 81.78 bilyong yuan naman ang FDI noong Marso, na bumaba ng 14.1%.
Mula Enero hanggang Abril, lumaki ng 7.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon ang FDI ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road sa Tsina. Lumago naman ng 13% ang FDI ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina. Samantala, lumago ng 3.9% ang pagluluwas ng Tsina sa ASEAN, at ang ASEAN ay nagsilbing pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng Tsina.
Salin: Vera