Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Turista sa May Day Holiday, umabot sa 115 milyon: kabuhayang Tsino, mabilis na nanunumbalik

(GMT+08:00) 2020-05-07 16:27:12       CRI

 

Dahil sa mabisang pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), umabot sa 115 milyon ang mga turistang Tsino noong panahon ng May Day Holiday sa loob ng bansa.

Ito ang unang peak ng turismo sa loob ng Tsina.

Lubos nitong ipinakita, na pinasusulong ng malakas na pangangailangan sa konsumo ng mga mamamayang Tsino ang pagpapanumbalik ng kabuhayan.

Dahil sa epidemiya, inilagay sa mas mababa sa 30% ang maximum reception ng mga lugar panturista.

Kahit sa kalagayang ito, sinabi ng Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina, na umabot pa rin sa 47.56 bilyong yuan RMB ang kitang panturismo noong May Day Holiday.

Ipinakikita nito, na kahit ang nasabing industriya ang pinakagrabeng apektado ng COVID-19, mabilis itong bumabalik sa normal na takbo.

Sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at pamahalaang Tsino, at pagsisikap at pagkakaisa ng mga mamamayang Tsino, ang Tsina ang unang bansang muling umaahon mula sa pandemiya nitong nakaraang mahigit 3 buwan.

Ito ang dahilan kung bakit ligtas ang paglalakbay sa May Day Holiday.

Bukod dito, walang humpay ring sumusulong ang pagpapanumbalik ng trabaho sa mga kompanyang Tsino.

Bilang bansa na mayroong halos 30% na contribute rate sa kabuhayang pandaigdig, ang mabisang pagkontrol sa epidemiya at pagpapabilis sa work resumption ay nagdudulot ng kompiyansa at puwersang tagapagpasulong sa kabuhayan ng buong mundo.

Ayon sa ulat kamakailan ng "Financial Times" ng Britanya, ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na, ang isa sa mga dahilan sa malaking rebound ng stock market ng Amerika noong Abril ay pag-asang pamumunuan ng Tsina ang recovery ng kabuhayang pandaigdig.

Lubos na ipinakikita ng katotohanan na di--nagbabago ang mabuting pundasyon ng kabuhayang Tsino sa malayuang panahon.

Sa kasalukuyan, mahigpit pa rin ang kalagyaan ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 sa buong mundo, at kailangan ang kooperasyong pandaigdig sa kapuwa pagpigil ng epidemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>