Inilabas nitong Huwebes, Abril 9, 2020 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang guideline hinggil sa pagkokompleto ng mekanismo ng market-based allocation ng mga elemento ng produksyon.
Iniharap sa nasabing guideline ang direksyon ng reporma sa mga larangang gaya ng lupa, manggagawa, kapital, teknolohiya, data at iba pa, at nilinaw ang mga konkretong hakbangin sa pagkokompleto ng market-based allocation ng mga elemento ng produksyon.
Sinabi ni Wang Renfei, opisyal ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad ng Reporma ng Tsina, na mahalagang mahalaga ang katuturan ng paglalabas ng nasabing guideline para sa pagpapabilis ng pagkokompleto ng mekanismo ng socialist market economy, pagsira sa kontradiksyong pang-estruktura sa malalimang antas, at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan. Sa kasalukuyang kalagayan ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, naging realistiko rin ang katuturan nito para sa pagbabawas ng epektong dulot ng pandemiko, at mabisang pagpapasigla ng nakatagong lakas ng iba't ibang uri ng elemento.
Salin: Vera