|
||||||||
|
||
Isinasagawa kamakailan ng mga mediang Tsino at Amerikano ang mahigpit na pagpuna kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Sa loob lamang ng isang linggo, pinuna nang limang beses ng China Media Group (CMG) News ang paninira ni Pompeo sa Tsina.
Sa Amerika naman, sustenableng sinipi ng mga pangunahing media na gaya ng Cable News Network (CNN) ang "International Review" ng CMG News at nagpahayag ng kanilang pagpuna kay Pompeo.
Bilang Kalihim ng Estado ng Amerika, anu-ano ang kanyang ginawa?
Ayon sa datos, sa lahat ng pananalita ni Pompeo tungkol sa Tsina, 80% ay umaatake at naninira sa Tsina. Sa panahon ng COVID-19 pandemic, ipinupokus ang mga ito sa tatlong aspektong kinabibilangan ng "Conspiracy Theory ng pinag-mulan ng virus," "pagbuhay sa teorya ng pagtatakip ng kalagayang epidemiko," at "pagkakalat ng teorya ng pananagutan ng Tsina sa epidemiya."
Simpleng sabihin, ang layon ng pagdungis niya sa Tsina ay iwasang matukoy ang pagkakamali ng Amerika sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Kasabay nito, nakakatawag ng pansin ng mga pangunahing media ng iba't-ibang bansa sa daigdig ang mga kaukulang pananalita ni Pompeo. Dumarami nang dumarami ang kanilang pagbabalita tungkol dito.
Ayon sa pag-analisa ng Contemporary China and the World Research Institute, sa nilalaman ng pagbabalita ng mga pangunahing media sa daigdig, liban sa walang pinapanigang pagsipi ng pananalita ni Pompeo at mga kaukulang tugon ng panig Tsino, karamihan ay pagpuna kay Pompeo.
Sa mga mediang Amerikano, maraming nilalaman ng CNN at Politico, American political news website, ang bumabatikos kay Pompeo. Karamihan dito ay mula sa mga ekspertong medikal, opisyal ng pamahalaan, at kolumnista.
Higit sa lahat, ipinalabas ng "The Hill," political website ng Amerika, ang artikulong pinamagatang "Mike Pompeo at Donald Trump, kapwang mapanalakay na aso sa Tsina sa COVID-19" kung saan pinagtipun-tipon ang mga bintang mula sa iba't-ibang panig laban kay Pompeo. Tinukoy nito na naglalaro ng pulitika lamang ang mga pananalita ni Pompeo tungkol sa Tsina. Ito anito ay naglalayong pigilin ang reaksyon sa loob ng bansa sa di-epektibong aksyon ng pamahalaan ni Trump laban sa epidemiya.
Noong Abril 17, ibinalita ng New York Times na nagtatangka ang Republican Party na ibaling ang pananagutan sa Tsina para ilipat ang pansin ng mga tao sa mga kamalian ng pamahalaan ni Trump sa pagharap sa corona virus.
Bukod dito, ang World Health Organization (WHO) ay nagiging isa pang whipping boy na ginagamit ni Pompeo upang takpan ang kanyang sariling kamalian.
Noong Abril 28, ibinalita naman ng Washington Post na hindi dapat gamitin muli nina Pompeo at Trump ang WHO bilang whipping boy nila sa mabigong pagharap sa epidemiya.
Samantala, binibigyang-puna ng mga media ng iba pang mga bansa ang walang batayang pagbintang at pagdungis ni Pompeo sa Tsina.
Ayon sa pahayagang The Sydney Morning Herald ng Australia, ipinahayag ni Gareth Evans, dating Ministrong Panlabas ng Australia, na binabalewala ng Amerika ang lahat ng pagtasa ng impormasyon at sinasadyang ikalat ang walang katotohanang isyu ng laboratoryo ng Wuhan. Ito aniya ay ibayo pang nakakapinsala lamang sa imaheng pandaigdig ng Amerika.
Ayon naman sa pahayagang Le Point ng Pransya, sinabi ni Pompeo na ang paglitaw ng corona virus ay dahil sa kapabayaan ng trabahador ng Wuhan laboratory at di-responsableng awtoridad. Ngunit mayroon bang siyang anumang ebidensya? Wala.
Sa kasalukuyan, hindi pa mabisang nakontrol ang COVID-19 pandemic sa Amerika. Bilang Kalihim ng Estado, puspusan niyang ibinabaling ang sisi sa iba sa halip na alalahanin ang kaligtasan ng buhay ng mga mamamayan nito. Ito ay nakakapinsala ng malaki sa imahe ng kanyang sarili, pati na ang imaheng pandaigdig at kredit ng estado ng Amerika.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |