|
||||||||
|
||
Noong katapusan ng nagdaang Enero, nag-Twit ang isang British ethnic Chinese comedian na nagsasabing "(sa Britanya) marahil may 0.001% ethnic Chinese ang nahawa ng coronavirus, ngunit halos lahat sila ay nakakaramdam ng "coronavirus discrimination."
Noong Marso 16, ginamit sa unang pagkakataon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa social media ang "Chinese virus" sa pagtawag ng coronavirus. Bagama't nakatawag ito ng malawakang pagtutol ng opinyong publiko at Chinese community sa buong daigdig, hindi niya itinigil ang kanyang pag-atake sa Tsina. Bamaga't alam niya na ang paggamit ng salitang "Chinese virus" ay nagtutulak ng racial discrimination at hatred laban sa mga ethnic Chinese at Chinese communities, paulit-ulit niya itong ginagamit. Bunsod nito, mabilis na lumalaganap ang galit sa mga ethnic Chinese sa buong daigdig.
Mula noong huling dako ng nagdaang Marso, mula Amerika hanggang sa Europa, at sa iba't-ibang sulok ng buong daigdig, napakabilis na lumalaki ng bilang ng mga krimeng nakatuon sa mga Asian nationalities.
Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Metropolitan Police Service ng London, noong nagdaang Pebrero at Marso ng kasalukuyang taon, tinanggap nito ang 166 na alarm records tungkol sa pananalakay sa mga Asian nationalities. Ang bilang na ito ay 66 lang noong gayunding panahon ng nagdaang taon.
Sa mga social media, halos bawat araw ay nakikita ang bagong kaso ng pananalakay dala ng poot. Habang naglalakad kasama ng kanyang pamilya, si Debbie Tung, British Chinese cartoon designer, naging target siya ng pananalakay ng 4 na batang lalaki. Bagama't ipinahayag ng panig pulis ng Britanya ang kanilang solemnang pakikitungo sa mga hate crimes, sa katotohanan, bihirang nakikitang binibigyang-parusa ang mga kriminal.
Sa panunulsol sa diskriminasyon at na pananalakay dahil sa galit, posibleng naging tagapagtaguyod si Trump, ngunit hindi siya nag-iisa. Bilang lider ng isang bansang superpower, posibleng ibinubuwis ng mga tao ang buhay dahil sa kanyang di-responsableng pananalita.
Sa kabilang dako, sa kapwa Amerika at Europa, ang mga taong apektado ng hate attacks, ay dapat isagawa ang mas mabisang hakbangin para mariing tutulan ang hate crimes at racial discrimination.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |