|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Sabado, Marso 28, 2020 sa website ng magasing "The Atlantic" ng Amerika ang artikulo ni Peter Beinart, Propesor ng Journalism ng The City University of New York, na pinamagatang "Trump's Break With China Has Deadly Consequences."
Tinukoy ng artikulo na sa harap ng pandemic ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ipinalalagay ng ilang pulitiko at comentator ng Amerika na dapat ihiwalay ng Amerika ang relasyon sa Tsina.
Pero sa katunayan, ang aral na dapat pulutin ng Amerika mula sa COVID-19 pandemic ay muling pagtatatag ng kooperasyong Sino-Amerikano sa larangan ng kalusugang pampulibko na sinira ng pamahalaan ni Trump.
Anang artikulo, binigyang-linaw ng corona virus ang dalawang katotohanan na salungat sa worldview ni Trump.
Una, sa isang daigdig na may malalimang pakikipag-ugnayan sa isa't isa, ang pagpapalakas ng kooperasyong ay makakabuti sa pangangalaga sa seguridad ng mga karaniwang Amerikano.
Ang pagpapalalim ng kooperasyong Sino-Amerikano ay lohikal na tugon sa mga napakalaking banta.
At ika-2, nagbago na ang pagkabalanse ng kaalaman at puwersa sa kasalukuyang globalisadong daigdig.
Nang sumiklab ang SARS noong 2003, naging guro ng Tsina ang Amerika.
Pero ngayon, buong pananabik na inaasahan ng mga doktor at siyentipiko ng Amerika kung paano pinagtagumpayan ng mga Chinese counterpart ang corona virus sa Wuhan.
Sa kalagayan ng COVID-19 pandemic, ang mga pagawaan ng Tsina ay magsisilbing arsenal ng pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Kung gusto mong malaman ang mas maraming detalye hinggil sa nasabing artikulo, paki-klik ang link sa ibaba:
https://www.theatlantic.com/ideas/archive/2020/03/breaking-china-exactly-wrong-answer/608911/
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |