|
||||||||
|
||
Sinagot Mayo 17, 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham ng mga estudyanteng Pakistani na kasalukuyang nag-aaral sa University of Science & Technology Beijing.
Sa liham, winewelkam ni Xi ang mga kabataan ng buong daigdig na pumunta sa Tsina para mag-aaral.
Ini-enkorahe niya ang mga estudyanteng aktibong makipagpalitan sa mga kabataang Tsino.
Sinabi ni Xi na dapat magkakasamang magsikap ang mga kabataan ng buong mundo para magbigay ng ambag para sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Tinukoy ni Xi na sa panahon ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga estudyanteng dayuhan sa Tsina, at ipinagkakaloob ang maraming tulong sa kanila.
Kasabay nito, sinusuportahan naman ng mga estudyanteng dayuhan ang Tsina sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Sa hinaharap, patuloy na ipinagkaloob ng Tsina ang tulong sa lahat ng estudyanteng dayuhan sa Tsina, diin ni Xi.
Sa kasalukuyan, mayroong 52 estudyanteng Pakistani sa University of Science & Technology Beijing.
Sinulat nila kamakailan ang liham kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, upang ikuwento ang kanilang karanasan at damdamin hinggil sa Tsina, at pinasalamatan ang paaralang Tsino sa pakakaloob sa kanila ng tulong sa panahon ng epidemiya.
Ipinahayag din nila ang mithiin upang makapagbigay ng ambag para sa pagtatatag ng "Belt and Road Initiative (BRI)" at pagpapabuti ng pagkakaibigan ng Tsina at Pakistan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |