Ipinahayag Mayo 18, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina, Hapon at Timog Korea ay magkakaibigang magkapitbansa at mayroon silang pinagbabahaginang kinabukasan sa harap ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ang Hapon at T.Korea, para panatilihin ang mahigit na kooperasyon, ibahagi ang karanasan ng paglaban sa epimideya, koordinahin ang mga hakbangin ng pagpigil sa epidemiya, upang magkakasamang matamo ang tagumpay sa paglaban sa epidemiya at ibigay ang ambag para sa pangangalaga sa kaligtasan ng kalusugan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Ayon kay Zhao, idinaos noong gabi ng Mayo 15, ng Tsina, Hapon at T.Korea ang espesyal na video meeting ng mga Ministro ng Kalusugan sa pagharap ng epidemiya ng COVID-19. Pinagtibay sa pulong ang magkasanib na pahayag. Ito ay isa pang mahalagang pagpapalitan ng tatlong bansa hinggil sa pagbabahagi ng karanasan ng pagpigil at pagkontrol ng epidemiya.
Sa pulong, ibinahagi ng Tsina ang mga hakbangin at karanasan sa pagpigil ng epidemiya, at iniharap ang 3 mungkahi sa Hapon at T.Korea: Una, suportahan ang World Health Orgnization (WHO) na patingkarin ang namumunong papel sa paglaban sa epidemiya; ikalawa, aktibong isagawa ang pandaigdigang kooperasyon; ikatlo, tulungan ang mga bansa na may mahinang sistemang pangkalusugan na pataasin ang kakayahan ng pagharap sa epidemiya.
Nanawagan ang Tsina na dapat magkaisa ang iba't ibang bansa sa harap ng epidemiya, para magkakasamang mapangalagaan ang kaligtasan ng rehiyon at daigdig, at suportahan ang pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah