|
||||||||
|
||
Binuksan Lunes ng gabi, Mayo 18, Beijing time, 2020 ang ika-73 sesyon ng World Health Assembly (WHA), sa pamamagitan ng virtual platform. Nagtalumpati sa sesyon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Iniharap ni Xi ang mga konkretong hakbangin sa pagpapasulong ng pandaigdigang paglaban sa COVID-19, na kinabibilangan ng pagkakaloob ng saklolong pandaigdig, at gagawing pandaigdigang produktong pampubliko ang bakunang idedebelop ng Tsina.
Saad ni Xi, upang mapasulong ang pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya, ipagkakaloob ng Tsina ang 2 bilyong dolyares na pondo sa loob ng 2 taon, bilang pagkatig sa pagpuksa sa epidemiya ng mga bansang malubhang naaapektuhan ng pandemiya, lalong lalo na, mga umuunlad na bansa, at pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kani-kanilang kabuhaya't lipunan.
Aniya, makikipagkooprasyon ang Tsina sa United Nations (UN), upang itatag ang pandaigdigang humanitarian response depot at hub sa Tsina, patuloy na igarantiya ang supply chain ng mga materyal para sa paglaban sa epidemiya, at itatag ang "berdeng koridor" para sa transportasyon at customs clearance.
Ayon kay Xi, itatatag ng Tsina ang mekanismong pangkooperasyon sa pagitan ng 30 mga ospital na Tsino at Aprikano, pabibilisin ang pagtatatag ng punong himpilan ng Center for Disease Control and Prevention ng Africa, at tutulungan ang pagpapataas ng Aprika ng sariling kakayahan sa pagpigil at pagkontrol sa mga sakit.
Ipapatupad ng Tsina, kasama ng mga kasapi ng Group of 20 (G20), ang Debt Service Suspension Initiative para sa mga pinakamahirap na bansa. Nakahanda rin itong pag-ibayuhin, kasama ng komunidad ng daigdig, ang suporta sa mga bansang napakalubha ng kalagayan ng epidemiya, at napakalaki ng presyur, upang tulungan silang panaigan ang mga umiiral na kahirapan, dagdag ni Xi.
Nanawagan siya sa iba't ibang bansa na ipauna ang mga mamamayan, at gawing pinakamahalaga ang buhay ng mga mamamayan, siyentipikong isaayos ang mga puwersang medikal at mahalagang materyal, at isagawa ang mabibisang hakbangin sa mga mahalagang larangang gaya ng prebensyon, kuwarentina, pagsusuri, panggagamot, pagsusubaybay at iba pa, upang pigilan sa lalong madaling panahon ang pagkalat ng pandemiya, at hadlangan ang transnasyonal na pagkalat ng pandemiya.
Saad ni Xi, "Dapat makakapit-bisig tayo, upang magkakasamang pangalagaan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, magkakasamang pangalagaan ang komong tahanan ng mundo ng sangkatauhan, at magkakasamang itatag ang isang pandaigdigang komunidad ng kalusugan."
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |