Sa pamamagitan ng isang virtual meeting na ini-organisa kamakailan ng Joint United Nations Programme on HIV/AIDS (UNAIDS), Samahang Medikal ng Uganda, at Liga ng mga Doktor ng South Sudan, inimbitahan ang mga ekspertong medikal ng Tsina na ibahagi sa mga kasamahan sa nasabing dalawang bansa ang kanilang mga karanasan sa pagpigil at pagbibigay-lunas sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Isinalaysay ni Wu Zunyou, punong eksperto sa epidemiya ng Sentro ng Tsina sa Pagpigil at Pagkontrol sa Sakit, at iba pang mga ekspertong Tsino ang kaukulang impormasyong gaya ng isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pampublikong kalusugan sa kaugnay ng COVID-19.
Ipinahayag naman ng mga dayuhang panig ang kanilang pag-asang magkakaroon pa ng mas maraming katulad na pakikipagpalitan sa panig Tsino upang mas mabisang malabanan ang epidemiya.
Salin: Lito