Inilathala nitong Martes, Mayo 19, 2020 (local time) ng Lancet, kilalang magasing medikal, ang pahayag na nagsasabing may makatotohanang kamalian sa ipinadalang liham ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa World Health Organization (WHO) noong Mayo 18.
Sa nasabing liham, sinabi ni Trump na matapos ang imbestigasyon ng pamahalaang Amerikano, binabalewala ng WHO ang mga reliable information na mula sa mga organong kinabibilangan ng Lancet noong unang dako ng Disyembre ng nagdaang taon o mas maagang panahon. Napatunayan ng mga ito ang pagkalat ng isang uri ng virus sa lunsod Wuhan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng Lancet, na may makatotohanang kamalian sa nasabing pahayag ni Trump. Aniya, noong unang dako ng Disyembre ng nagdaang taon, hindi isinapubliko ng kanyang magasin ang anumang impormasyon tungkol sa pagkalat ng virus o epidemiya sa Wuhan at iba pang lugar ng Tsina. Noong Enero 24, 2020 ay panahong inilabas ng Lancet ang unang kaukulang impormasyon, dagdag pa niya.
Salin: Lito