Sa isang panayam ng China Central Television (CCTV) ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Richard Horton, Editor-in-Chief ng The Lancet, prominent British medical journal, ang kanyang kalungkutang binibigyang kahulugan ngayon ang talakayan tungkol sa kasalukuyang pandemic COVID-19 bilang bahagi ng labanang geopolitikal ng mga bansa. Aniya, ang COVID-19 ay nagsisilbing banta sa kalusugan ng buong sangkatauhan, at kailangang buong sikap na magtulungan ang komunidad ng daigdig para magkakasamang harapin ang bantang ito.
Ani Horton, hindi siya natutuwang nakikita ang mga pagbatikos ng mga bansa, dahil walang anumang kuwenta ito sa gitna ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Ikinalulungkot niya ang mga binitawang pagpuna ng ilang politiko.
Ipinahayag pa niya ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga medikal na trabahador at siyentista ng Tsina. Dahil nakakapagbigay sila ng napakalaki at napakaraming ambag sa usaping ito, dagdag niya.
Salin: Lito