Sinabi nitong Lunes, Mayo 18, 2020 ni Marise Payne, Ministrong Panlabas ng Australia, na kinatigan ng maraming bansa ang resolusyong may kinalaman sa kalagayan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic na iniharap ng Unyong Europeo (EU) sa World Health Assembly (WHA), at ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng "nagsasariling pagsusuring pandaigdig" na iniharap ng Australia. Ito aniya ay tagumpay ng komunidad ng daigdig, at ito ay ikinasisigla ng Australia.
Kaugnay nito, sinabi nitong Martes ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang panukalang resolusyon hinggil sa COVID-19 na tinatalakay ng WHA ay magkatugma sa paninindigan ng panig Tsino, at nagpapakita ng malawakang komong palagay ng iba't ibang bansa sa daigdig. Pero iba ito sa umano'y "nagsasariling pagsusuring pandaigdig" sa kalagayan ng pandemiya na iniharap ng panig Australian nauna rito, dagdag ni Zhao.
Diin niya, kung gusto ng panig Australian na baguhin ang daang tinatahak nito, ganap na tigilan ang panlilinlang na pulitikal sa kalagayan ng pandemiya, at bumalik sa unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig, ayon sa kaukulang resolusyon ng WHA, at tatanggapin ito ng panig Tsino.
Salin: Vera