|
||||||||
|
||
Ginanap nitong Miyerkules, Mayo 20, 2020 ang virtual symposium ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa kooperasyon kontra pandemiya ng COVID-19.
Sa kanyang talumpati sa simposyum, tinukoy ni Xu Pingping, Punong Direktor ng CABS, na sa harap ng resesyon ng kabuhayang dulot ng pandemiya, kasabay ng pagpapalakas ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, dapat aktibong panumbalikin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagpapalitang pangkalakalan, pabutihin ang industry chain sa loob ng rehiyon, at pasulungin ang mahahalagang proyekto ng kooperasyon ng kapuwa panig.
Diin ni Xu, ang taong 2020 ay taon ng kooperasyon sa digital economy ng Tsina at ASEAN.
Ito aniya ay angkop na panahon upang mapalakas ang kooperasyon ng magkabilang panig sa mga larangang gaya ng telemedicine services, e-commerce, on-line trading at iba pa.
Ang nasabing simposyum ay inilunsad ng China-ASEAN Business Council (CABS).
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |