|
||||||||
|
||
Idinaraos ngayon sa Beijing ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).
Sa kanyang pagdalo nitong Sabado, Mayo 23, 2020 sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ang mga magsasakang Tsino ay di-mababalewalang bahagi sa landas ng komong kasaganaan.
Diin ni Xi, dapat masipag na panaigan ang mga negatibong epektong dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at buong tatag na isakatuparan ang target sa pagpawi ng karalitaan.
Aniya, para sa Tsina na may 1.4 bilyong populasyon, hindi kailanman dapat humina ang pundamental na katayuan ng agrikultura.
Dagdag ni Xi, sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat puspusang resolbahin ang mga problema sa proseso ng pag-unlad ng agrikultura, at ipauna ang mga isyung may kinalaman sa estruktura ng mga produktong agrikultural, kakayahan sa paglaban sa panganib, at lebel ng modernisasyon ng agrikultura.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |