Sa kanyang pagdalo nitong Sabado, Mayo 23, 2020 sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan na kalahok sa ginaganap na sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), ipinagdiinan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat igiit ang multilateralismo at demokrasya sa relasyong pandaigdig, at buong tatag na pasulungin ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan.
Ito aniya ay tungo sa pagkakaroon ng bukas, inklusibo, balanse, at may win-win na resultang pag-u-ugnayan, upang mapasulong ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Lito