Sa kanyang pagdalo nitong Sabado, Mayo 23, 2020 sa group meeting ng mga kagawad mula sa sektor ng kabuhayan na kalahok sa ginaganap na sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), tinukoy ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat gawing pokus ng pag-unlad ng Tsina ang pangangailangang panloob, pabilisin ang pagtatatag ng kumpletong sistema ng pangangailang panloob, puspusang pasulungin ang inobasyon, palakasin ang digital economy, at isulong ang matalinong paggawa, at iba pang mga estratehikong bagong-sibol na industriya para umusbong ang mas maraming bagong growth point at mahubog ang mga bagong bentahe ng bansa sa pakikilahok sa kooperasyon at kompetisyong pandaigdig.
Salin: Lito