|
||||||||
|
||
Sa Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina, susuriin ang isang panukalang batas hinggil sa pagtatatag at pagpapabuti ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Dahil dito, nawasak ang tangka ng mga puwersang naninindigan para sa pagsasarili ng Hong Kong at mga puwersang kontra sa Tsina.
Nitong nakalipas na dalawang araw, sinusubukang siraan ng mga separatista at puwersang nanggugulo sa Hong Kong ang naturang panukala.
Tinatangka rin nilang pasulungin ang hindi pagpasa ng nasabing panukala.
Samantala, layon ng mga hakbangin ng NPC na pangalagaan ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," pangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at pangmatalagang seguridad ng buong Tsina, at tugunan ang pananabik ng mga taga-Hong Kong sa mapayapang pamumuhay.
Matatag na binabalaan ng Tsina ang mga separatistang nagnanais na magsarili ang Hong Kong at mga puwersang nanggugulo sa Hong Kong na huwag maliitin ang matibay na mithiin at determinasyon ng bansa.
Ang sinumang hahamon sa determinasyon ng pamahalaang sentral sa pangangalaga sa Hong Kong ay daranas ng mabigat na konsikuwensiya!
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |