|
||||||||
|
||
Kinondena nitong Linggo, Mayo 24, 2020 sa Beijing ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga pananalitang ginagamit di-umano ng Tsina ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) upang palawakin ang presensiya sa South China Sea.
Sa news briefing ng Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Wang na nitong nakalipas na ilang panahon, nagpupunyagi ang Tsina, kasama ng iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), upang mapasulong ang kooperasyon kontra pandemiya.
Pero, sa kabila nito, walang humpay na sinisira aniya ng ilang bansa mula sa labas ng rehiyon ang katatagan ng South China Sea.
Ang ganitong mga aksyon ay pagpapakita ng pagkawalang-hiyaan at maitim na layunin, aniya.
Tinukoy ni Wang na noong nagdaang ilang taon, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN, walang humpay na tumatatag at bumubuti ang kalagayan ng South China Sea.
Aniya pa, narating na ng Tsina at mga bansang ASEAN ang malinaw na komong palagay ukol sa pagkakaroon ng Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa lalong madaling panahon, at hinding-hindi mahahadlangan ng mga tagalabas ng rehiyon ang kompiyansa't determinasyon ng Tsina at ASEAN sa pagsasakatuparan ng nasabing target.
Diin ni Wang, patuloy na palalakasin ng Tsina ang kooperasyon sa iba't ibang bansa ng ASEAN, sisimulang muli sa lalong madaling panahon ang pagsasanggunian hinggil sa COC na pansamantalang naitigil dahil sa pandemiya, at aktibong hahanapin ang bagong paraan ng kooperasyong pandagat, upang mapangalagaan ang kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng karagatang ito.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |