Sa preskong idinaos Linggo, Mayo 24, 2020 ng Ika-3 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagiging mas mahigpit ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at mas malakas ang kooperasyon ng kapwa panig. Ito aniya ay lubos na nagpapatunay ng di-karaniwang mapagkaibigang damdamin at malalim na pagtitiwalaang Sino-ASEAN.
Dagdag ni Wang, sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, lumaki pa rin ang kooperasyong Sino-ASEAN, sa kabila ng COVID-19 pandemic. Aniya, noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, lumampas sa 140 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng mga paninda ng Tsina at ASEAN na mas malaki ng 6.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon. Ang ASEAN ay nagsisilbing, sa kauna-unahang pagkakataon, pinakamalaking trade partner ng Tsina, ani Wang.
Salin: Lito