|
||||||||
|
||
Sa Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina, susuriin ang isang panukalang batas hinggil sa pagtatatag at pagpapabuti ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga deputadong Taiwanese ng NPC na ang pagresolba sa kaguluhan sa Hong Kong at pambansang seguridad, sa pamamagitan ng lehislasyon ay malinaw na signal mula sa Chinese mainland patungo sa pamunuan ng Democratic Progressive Party at komunidad ng daigdig.
Si Zhang Xiong
Ayon kay Zhang Xiong, isang deputadong Taiwanese, ang paglutas sa isyu ng kaguluhan sa Hong Kong at pambansang seguridad, sa pamamagitan ng lehislasyon ay magkakaloob ng napakagandang karanasan para sa pagsasakatuparan ng reunipikasyon ng inang bayan at pagresolba sa isyu ng Taiwan.
Si Xu Pei
Sinabi naman ng isa pang deputadong Taiwanese na si Xu Pei, na malinaw na ipnapahayag ng nasabing panukalang batas na hinding hindi yuyukod ang Tsina sa mga isyung may kinalaman sa soberanya at seguridad ng bansa.
Si Lin Qing
Sa palagay naman ng deputadong Taiwanese na si Lin Qing, sa anggulo ng pangangalaga sa pambansang seguridad, kailangang kailangan at may malalimang impluwensiya ang pagtatakda ng batas at mekanismo ng pagpapatupad.
Ito aniya ay kumakatawan sa mithiin ng mga mamamayan.
Nananalig aniya siyang ang pagtatatag at pagkumpleto sa sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad ay tiyak na lilikha ng garantiya't kondisyon para sa mas magandang kinabukasan ng Hong Kong.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |