|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, idinaos kamakailan ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong ang aktibidad na "Suportahan ang HK National Security Legislation."
Hanggang noong Mayo 26, 2020, lumanpas na sa 1.1 milyon ang lagda sa loob ng 3 araw lamang.
Ipinakikita rito ng mga taga-Hong Kong na ang Hong Kong National Security Legislation ay mitsa ng liwanag ng pag-unlad para sa kanila.
Nitong nakaraang taon, ang Hong Kong ay nakakaranas ng karahasan at kawalan ng pag-asa.
Sa pag-uudyok ng ilang politikong Amerikano at kanluranin, walang humpay na isinasagawa ng mga ilegal na demonstrador ang mararahas na aktibidad, na nagdudulot ng kahirapan sa pamumuhay ng mga taga-Hong Kong.
Hindi ito maaaring payagan ng anumang responsableng pamahalaan.
Sa katotohanan, ang katatagan at maharmonyang lipunan ang pinakamalaking kahilingan ng lipunan ng Hong Kong.
Ang pagpigil sa karahasan ang pinaka-kinakailangang mithiin ng mga mamamayan ng Hong Kong.
Ang pagtatatag ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagtutupad ng batas sa Hong Kong, sa antas ng bansa ay napakahalaga.
Pangangalagaan nito ang pambansang seguridad, at ito ay angkop sa pundamental na kapakanan ng Hong Kong at bansa.
Ito rin ay makakabuti sa pangangalaga ng lehitimong karapatan at kalayaan ng mga taga-Hong Kong at ito ay malawak nilang pinapupurihan.
Nitong ilang araw nakalipas, ang "hakbangin ng Sentral na Pamahalaan para iligtas ang HK"ay naging pangunahing tinig ng Hong Kong.
Ito rin ay pundamental na mithiin ng mga mamamayan ng Hong Kong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |