|
||||||||
|
||
Sinusuri ngayon sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina ang panukalang batas hinggil sa pangangalaga sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Ang aksyong ito ay nagdulot ng paninirang-puri mula sa ilang politikong kanluranin, na kinabibilangan ni US Secretary of State Mike Pompeo.
Ani Pompeo, ang aksyon ng panig Tsino ay makakasira sa "awtonomiya" ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at dahil dito, isasagawa ng Amerika ang sangsyon laban sa Tsina.
Ang pangangalaga sa pambansang seguridad ay nukleong kapakanan ng anumang bansa, at wala ritong anumang espasyo para sa pagtatawaran.
Ang HK ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina.
Makatuwiran ang pagtatatag ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad upang mapangalagaan ng Hong Kong ang seguridad nito.
Nitong nakaraang taon, ang mga ginawa ng mga ilegal na demostrador ay nagdulot ng grabeng banta sa kaligtasang pampubliko sa Hong Kong at banta sa soberanya ng buong Tsina.
Kaya, hindi ito dapat palampasin!
Ang kapasiyahan ng NPC ay tiyak na magdudulot ng mas mabuting sistemang pambatas sa Hong Kong, magbibigay ng mas matatag na kaayusang panlipunan, at magkakaloob ng mas mainam na kapaligirang pangnegosyo.
Ito'y makakabuti sa pag-unlad ng mga kompanya ng iba't ibang bansa sa Hong Kong.
Ayon sa Hong Kong media, inilaan ng The National Endowment for Democracy ng Amerika ang mahigit 3.95 milyong dolyares na pondo para sa mga paksyong oposisyon ng HK mula taong 1995 hanggang taong 2015.
Lubos nitong ipinakikitang lubos na nakiki-alam ang ilang politikong Amerikano sa Hong Kong National Security Legislastion.
Natatakot silang mawalan pagkakataong maki-alam sa Tsina sa pamamagitan ng pagkontrol sa Hong Kong.
Pero, ipinakikita ng Hong Kong National Security Legislation ng NPC na hindi pinahihintulutan ng Tsinang maki-alam sa mga suliraning panloob ng bansa ang mga ilegal na puwersa sa Hong Kong, at iba pang bansa na patuloy na sumisira sa kaayusang panlipunan ng Hong Kong.
Ang Hong Kong ay hindi magiging biktima ng hegemonismo ng Amerika.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |