|
||||||||
|
||
Sa kanyang tweet nitong Martes, Mayo 26, 2020 local time, sinabi ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, iko-koreo di-umano ng Estadong California ang mga balota ng pambansang halalan sa Nobyembre ng taong ito.
Sa ibabaw ng tweet ni Trump, nakalagay ang kulay asul na exclamation mark notification na nagsasabing "alamin ang mga katotohanan ukol sa mail-in ballots."
At sa pamamagitan ng link, nakikita ng mga netizen ang mga impormasyong nagpapaliwanag sa isyung ito, katulad ng: "Ayon sa ulat ng mga media na gaya ng Cable News Network (CNN) at Washington Post, ang pananalita ni Trump hinggil sa pagko-koreo ng mga balota ay walang batayan at hindi nangangahulugang magbubunsod ng pandaraya sa pambansang halalan."
Ito ang kauna-unahang pagkakataon isinagawa ng Twitter ang fact-check sa mga tweet ni Trump.
Sa kanyang sagot sa email interview sa CNN, sinabi ni Katie Rosborough, Tagapagsalita ng Twitter, na may nakatagong nakakalinlang na impormasyon hinggil sa prosedyur ng pagboto sa nasabing mga tweet, kaya ang marka at link ng background information ay inilagay sa ibabaw ng mga tweet.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |