|
||||||||
|
||
Sinabi kamakailan ni David Litt, kilalang manunulat ng Amerika, na ang krisis sa kalusugang pampubliko sa bansa na dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay kabiguan ng demokrasyang Amerikano.
Si Litt ay dating senior speechwriter ni dating Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Sa kanyang artikulong inilabas sa website ng magasing "Time," sinabi ni Liit na dahil sa mabagal na pagpapalabas ng panuntunan sa social-distancing, natuklasan ng mga epidemiolohista na ito ay nagresulta sa 90% ng mga pumanaw sa Amerika.
Ani Litt, binabalewala ng lider ng Amerika ang makatwirang mithiin ng mga mamamayan.
Palagay niya, nitong nakalipas na 40 taon, naging mas kaunti ang tugon ng mga lider Amerikano sa mga isyung nakaka-apekto sa kapakanang pampubliko.
Aniya, kumpara noong nagdaang kalahating siglo, ang Amerika ngayon ay pinangangasiwaan ng mas kaunting tao, at dahil dito, apektado ang mas maraming bilang ng mga mamamayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |