|
||||||||
|
||
Isinumite Martes, Mayo 26, 2020, local time, ni Glenn Alan Fine, Principal Deputy Inspector ng Departamento ng Depensa ng Estados Unidos ang resignasyon, at magkakabisa ito, Hunyo 1.
Ayon sa Pentagon, kusang-loob na nagbitiw sa tungkulin si Fine.
Nauna rito, hinirang si Fine bilang tapangulo ng Pandemic Response Accountability Committee, para superbisahin ang mga hakbangin ng pamahalaang pederal sa pagharap sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, at suriin ang kalagayan ng paggamit ng 2.2 trilyong dolyares na emergency coronavirus funding.
Pero noong unang dako ng Abril, sinibak siya sa nasabing puwesto ni Pangulong Donald Trump.
Bilang organo ng pagsusuperbisa ng pamahalaan, nasa balikat ng inspector general ang pamamahala sa mga ahensiya ng pamahalaang pederal.
Pero sapul noong Pebrero, magkakasunod na itiniwalag ni Trump ang ilang inspector general.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |