Ipinalabas Mayo 26, 2020, ng New York Times, ang artikulo na nagsasabing si Mike Pompeo ay pinakamasamang U.S. Secretary of State sa kasaysayang Amerikano, at wala siyang anumang ambag sa diplomasya.
Inilagay din sa artikulo ang mga maling aksyon ni Pompeo, na kinabibilangan ng pag-uudyok niya kay Pangulong Donald Trump ng Amerika na balewalain ang mga mataas na opisyal ng White House, gumawa ng tsismis na "nagmula ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Wuhan", idinaos ang personal na party sa paggamit ng public funds; at iba pa.
Nauna rito, sinabi din sa artikulo na ipinalabas ng Washington Post na si Pompeo ay "isa sa mga pinakamasamang Secretary of State sa kasaysayan ng Amerika"; ngayon, siya ay "pinakamasama".
Sinabi ng New York Times na maaaring ipagpapatuloy ni Pompeo ang kanyang palabas dahil mayroong siyang suporta mula sa Pangulo, karamihan ng seats sa Senate at Fox News; pero, tiyak na magiging mas masama ang katayuan ng Amerika sa daigdig dahil sa pananalita at aksyon niya.
Salin:Sarah