|
||||||||
|
||
Sa kanyang pahayag kamakailan, binati ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, si Tsai Ing-wen sa kaniyang panunungkulan bilang lider ng Taiwan. Tinatawag rin ni Pompeo si Tsai bilang "Pangulo".
Sa loob ng ilang dekada, ito ang kauna-unahang pagkakataon na hayagang ipinahayag sa publiko ng isang Kalihim ng Estado ng Amerika ang pagbati sa panunungkulan ng lider ng isang administrative region gaya ng Taiwan. Ang aksyong ito ay malubhang lumabag ng prinsipyo ng Isang Tsina at regulasyon ng Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika. Ito ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Sa mula't mula pa, ang Taiwan ay ginagamit ng Amerika para kontrahin ang Tsina. Sa kasalukuyan, ang Amerika ay nakakaranas ng krisis sa gitna ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pero, mas malakas na sinusuportahan ni Pompeo ang mga isyu na may kinalaman sa Taiwan. Ang layunin niya ay ilioat ang ng kontradiksyong panloob, at makuha ang pulitikal na kapital para sa sarili.
Dahil sa kanyang sariling layunin, walang anumang positibong aksyon si Pompeo sa gitna ng epidemiya at buhay ng mga mamamayang Amerikano, sa halip, nakakasira siya ng kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa epidemiya.
Isasagawa ng kasaysayan ang makatuwirang paghuhusga kay Pompeo. At hindi maisasakatuparan ang kanyang masamang layunin.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |