Inulit Mayo 27, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng National Security Legislation ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ay suliraning panloob ng Tsina, at walang anumang ibang bansa ang may karapatan na makialam sa isyung ito. Buong tatag ang kapasiyahan ng Tsina na tutulan ang mga puwersang panlabas na makialam sa mga suliranin ng HK.
Ipinahayag din kamakailan ng Sergei Lavrov, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Rusya, na ang isyu ng HK ay suliraning panloob ng Tsina. Ang banta ng Amerika na isasagawa ang sangsyon laban sa Tsina kaugnay ng lehislasyon ay hindi makakabuti sa diyalogo ng Tsina at Amerika.
Ipinahayag ni Zhao na sinasang-ayunan at pinapupurihan ng Tsina ang pananalita ni Lavrov. Ito'y lubos na pagpapakita ng mataas na lebel ng relasyong Sino-Ruso.
Binigyan-diin ni Zhao na magsasagawa ang Tsina ng countermeasures kung kinakailangan sa maling aksyon ng mga puwersang panlabas na nakikialam sa mga suliranin ng HK.
Salin:Sarah