Ipinahayag Mayo 27, 2020, ni Michael Ryan, Executive Director ng World Health Orgnization (WHO) Emergencies Programme, na ipinakita ng ilang katibayan hinggil sa T cells, na mayroong mas mabilis na reaksyon ang mga tao na nahawa sa coronavirus noong nakaraan; pero, walang katibayan na nagpakita na immune na ang mga tao mula sa pagkahawa ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Pero, kung lilitaw ang mas malawak na reaksyon ng T cells, mayroong pag-asa sa pangmatagalang immune response na dulot ng bakuna o ibang medikal na paraan. Ang immune response na ito ay maaaring makatulong sa pangmatagalang pangangalaga sa tao at mas malawak na epekto ng bakuna.
Salin:Sarah