|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pagdududa kung nagmula o hindi ang COVID-19 sa Wuhan Institute of Virology ng Chinese Academy of Sciences, sa isang regular na news briefing na idinaos nitong Biyernes, Mayo 1, 2020 (local time) ng World Health Orgazanition (WHO), ipinahayag ni Michael Ryan , Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme, na pinag-aralan na ng maraming siyentista ang gene order ng novel coronavirus, at naniniwala silang ang virus na ito ay nagmula sa kalikasan.
Si Michael Ryan , Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme
Ipinahayag ni Ryan na ang kasalukuyang mahalagang tungkulin ay dapat tiyakin ang bagong host, at dagdagan ang kaalaman tungkol sa kung paanong nagkakaroon ng konesyon ang virus sa mga tao at hayop upang maisagawa ang mga kinakailangang hakbangin ng pampublikong kalusugan at maiwasan ang muling pagkaganap ng insidenteng ito.
Si Maria Van Kerkhove, Technical Lead ng WHO Health Emergencies Programme
Sinabi rin ni Maria Van Kerkhove, Technical Lead ng WHO Health Emergencies Programme, na gumagawa ang Tsina ng napakalaking pagsisikap sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19. Aniya, dapat patuloy na pag-aralan ng komunidad ng daigdig ang karanasang Tsino sa pagharap sa epidemiya.
Ayon pa sa pinakahuling estadistika ng WHO, sa kasalukuyan, pumalo sa 3,181,642 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 224,301 ang namatay. Mahigit 3.09 milyong kumpirmadong kaso ay naiulat sa labas ng Tsina.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |