Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga deputado ng NPC, iminungkahi ang pagtatakda ng foreign sovereign immunities law ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-05-28 15:39:20       CRI

Sa Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina, magkakasamang nilagdaan at isinumite ng 35 deputado ang mosyon sa pagtatakda ng foreign sovereign immunities law ng bansa.

Kasabay ng pagsiklab ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa iba't ibang bansa, isinagawa ng ilang bansa ang istigmatisasyon sa Tsina, sa katwirang ikinalat at inilihim ng Tsina ang epidemiya, upang ibaling ang sisi ng sariling kabiguan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya. Higit sa lahat, inimungkahi ng ilang kongresistang Amerikano ang pagsusog sa Foreign Sovereign Immunities Act (FSIA) ng Amerika, para alisin ang imunidad ng Tsina sa isyu ng pagharap sa COVID-19.

Sa kanyang panayam sa mga mamamahayag nitong Martes, Mayo 26, 2020, iminungkahi ni Ma Yide, Deputado ng NPC at Mananaliksik ng Beijing Academy of Social Sciences, na pabilisin ang pagtatakda ng foreign sovereign immunity law ng Tsina sa lalong madaling panahon, batay sa aktuwal na kalagayan ng bansa, pantay-pantay na pangalagaan ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino at mga dayuhang mamumuhunan, at isagawa ang katugong ganting-hakbangin sa tikis na akusasyon sa Tsina na iniharap ng mga bansang gaya ng Amerika, sa katwiran ng pandemiya ng COVID-19.

Dagdag ni Ma, kasabay ng unti-unting paglawak ng pagpapalitang pandaigdig at proseso ng globalisasyon, nagiging madalas ang direktang pagsali ng bansa sa mga pandaigdigang aktibidad na pangkabuhaya't pangkalakalan, at dumarami nang dumarami ang pagsasakdal sa iba't ibang bansa't pamahalaan sa ibang bansa. Pero walang espesyal na batas ang Tsina dito. Aniya, napakahirap para sa panig Tsino na isakdal ang ibang bansa sa hukumang Tsino, upang pangalagaan ng sariling karapatan at kapakanan. Samantala, walang batayang pambatas para sa mga hukumang Tsino, habang hinahawakan ang mga kasong may kinalaman sa sovereign immunity.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>