Sa work report ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina na isinumite nitong Lunes, Mayo 25, 2020 sa taunang sesyon ng NPC para sa pagsusuri, ipinagdiinan nitong igigiit ang pangangasiwa sa Hong Kong at Macao alinsunod sa batas, pangangalagaan ang kaayusang konstitusyonal na itinakda ng konstitusyon at mga saligang batas ng Hong Kong at Macao, kukumpletuhin ang sistema ng pagpapalinawag ng Pirmihang Lupon ng NPC sa mga saligang batas, at itatatag at kukumpletuhin ang sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa mga espesyal na rehiyong administratibo, sa antas ng estado.
Diin sa ulat, dapat igiit ang pangkalahatang patakaran at hakbangin sa isyu ng Taiwan, igiit ang simulaing Isang Tsina, buong tatag na tutulan at pigilan ang mga separatistang puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan, at pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang, batay sa "1992 Consensus."
Salin: Vera