Sa preskon Huwebes, Mayo 28, 2020, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na batay sa pundasyong pulitikal ng simulaing Isang Tsina, 1992 Consensus at buong tatag na pagtutol sa pagsasarili ng Taiwan, nakahanda ang pamahalaang sentral ng Tsina na makipagdiyalogo at makipagsanggunian sa iba't ibang partido, grupo at personahe ng Taiwan ukol sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait at kinabukasan ng bansa, sa pamamagitan ng pinakamalaking katapatan at pagsisikap, at pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng magkabilang pampang at mapayapang reunipikasyon ng inang bayan.
Saad ni Li, ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina. Sa mula't mula pa'y tinututulan ng panig Tsino ang pakikialam dito ng puwersang panlabas.
May katalinuhan at kakayahan ang nasyong Tsino na resolbahin ang sariling isyu, dagdag niya.
Salin: Vera