Ipininid Huwebes, Mayo 28, 2020 sa Beijing ang Ika-3 Taunang Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina.
Sa virtual press conference pagkatapos nito, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa isang serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya noong nagdaang taon, magkakasamang nangako ang mga lider ng 15 bansa na lalagdaan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa kasalukuyang taon, ayon sa nakatakdang iskedyul. Umaasa aniya ang panig Tsino na matutupad ang naturang pangako.
Ang nasabing 15 bansa ay kinabibilangan ng 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia at New Zealand.
Salin: Vera