|
||||||||
|
||
Sa panahon ng ika-4 na National Scientific and Technological Workers' Day, sinulatan ni Pangulong Xi Jinping ang 25 kinatawan ng mga scientific and technological workers, na kinabibilangan nina agronomist Yuan Longping, respiratory expert Zhong Nanshan, aerospace engineer Ye Peijian at iba pa, at ipinahayag ang pagbati sa kanila.
Ipinahayag ni Xi na ang mga kaisipan at gawain ng mga scientific and techonological workers ay nagpakita ng makabayang damdamin sa bagong panahon.
Tinukoy ni Xi na sa harap ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinagkaloob ng mga scientific and techonological workers ang malakas na suportang pansiyensiya at pangteknolohiya.
Umaasa si Xi na patuloy na magsisikap ang mga scientific and technological workers upang magbigay ng mas malaking ambag para itatag ang Tsina na may malakas na kakayahang pansiyensiya at panteknolohiya.
Itinakda noong Nobyembre 2016 ng Konseho ng Estado ng Tsina ang Mayo 30 bawat taon bilang "National Scientific and Technological Workers' Day".
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |