|
||||||||
|
||
Beijing — Sa panahon ng idinaraos na "Dalawang Sesyon" ng Tsina, habang sinusuri ng delegasyon ng probinsyang Hubei ang Government Work Report, nagbigay ng malalim na pagpupugay si Yu Cheng, kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina mula sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, makaraang magtalumpati siya.
Ipinakikita ng nasabing pagpupugay ang malalim na nilalaman at katuturan.
Isang guro si Yu Cheng. Sa panahong na-lockdown ang lunsod Wuhan dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, kasama ng mga trabahador at buluntaryo ng iba pang mga komunidad, naglingkod siya bilang boluntaryo sa kanyang kapitbahayan para puspusang matugunan ang pangangailangang pang-araw-araw at gamot ng mga residente.
Ihinahatid ni Yu ang mga prutas sa mga residente ng isang kapitbahayan sa Wuhan
Bilang isang kinatawan ng NPC mula sa nakakababang unit ng Wuhan, naglahad si Yu ng mga tunay na kwentong naganap sa paligid niya.
Maligayang pagtitipun-tipon ng 4 na miyembro ng isang pamilya
Minalas na nahawahan ng COVID-19 ang 4 na miyembro ng pamilya ng isang kasamahan ni Yu. Sinabi ni Yu na salamat sa napakalaking pagpupunyagi ng mga tauhang medikal, gumaling at lumabas sila at maligayang nagtipon ang lahat ng miyembro ng isang pamilya. Aniya, sa isang liham para sa kanya na sinulat ng anak na babae ng kanyang nasabing kasamahan, sinabi nitong kung nagbabalik-tanaw sa espesyal na karanasang ito, taos-puso siyang nagpasalamat kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at sa lahat ng mga nagbibigay-tulong sa Wuhan. Hindi kailanman makakalimutan ang mga ibinibigay na tulong sa buong buhay ng kanyang pamilya, ani ng nasabing batang babae.
Himala ng buhay ng 87-edad na matandang lalaki
Sinabi ni Yu na isang 87-edad na lalaking may maraming ibang sakit ay nahawahan ng COVID-19. Aniya, binuo ng ospital ang isang grupo ng 9 na eksperto para bigyang-lunas ang nasabing matandang maysakit. Bunga ng mabuting pagtutulungan ng mga miyembro ng grupo at kanilang napakalaking pagsisikap, gumaling ang matandang lalaki at lumabas sa ospital.
Noong Abril 9, gumaling at lumabas sa ospital ang edad 87 na maysakit ng COVID-19 na si Wang Xin
Ayon sa datos, sa panahon ng pakikibaka laban sa epidemiya, buong sikap na binibigyang-lunas hangga't makakaya ng mahigit 540 libong tauhang medikal mula sa probinsyang Hubei at iba pang lugar ng bansa ang bawat nagkasakit ng COVID-19. Hanggang sa kasalukuyan, matagumpay na nagamot ang mahigit 3,600 matandang maysakit na may edad na 80 pataas na kinabibilangan ng 7 matandang maysakit na edad 100 taon pataas.
Nagsabi ang matandang lalaki kay Yu na ito ang pinakamalubhang epidemiya sa kanyang buhay. Walang iba kundi ang pamumuno ng CPC at sistemang soyalista ang nakakontrol at nakapagpatatag ng kalagayang epidemiko sa napakaikling panahon.
Kainitang dala ng isang buhay na isda
Ang isda ay napakahalagang pagkain sa karaniwang pamumuhay ng mga mamamayan ng Wuhan.
Sinabi ni Yu na sa paglalakbay-suri noong unang dako ng nagdaang Marso sa Wuhan, sinabi ni Xi na dapat puspusang igarantiya ang pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan. Bukod dito, espesyal na tinukoy ni Xi na dahil gustong kainin ng mga mamamayan ng Wuhan ang buhay na isda, dapat igarantiya ang pagsuplay ng mga ito.
Mahigit 170 toneladang buhay na isda mula sa lunsod Xianning ang naihatid sa Wuhan
Ipinakikita ng "pagsaludo" ang malalim na pasasalamat
Noong Mayo 24, 2020, lumahok si Xi sa pagsusuri ng delegasyon ng Hubei sa Government Work Report. Makaraang magtalumpati si Yu, taglay ng paniniwala ng kanyang mga kababayan, nagbigay siya ng isang malalim na pagpupugay kay Xi para ipaabot ang kanilang pasasalamat sa partido, bansa, at walang pagdadamot na ibinibigay na tulong ng iba't-ibang sirkulo sa Wuhan.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |