Idinaos nitong Biyernes ng hapon, Mayo 29, 2020 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang ika-30 kolektibong pag-aaral tungkol sa totohanang pagsasagawa ng Civil Code na pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Ipinagdiinan ni Xi na ang bagong napasang Civil Code ay may mahalagang katayuan sa sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino. Ito aniya ay may mahalagang katuturan para mapasulong ang komprehensibong pangangasiwa alinsunod sa batas, mapaunlad ang sosyalistang kabuhayang pampamilihan, mapatatag ang pundamental na sosyalistang sistemang pangkabuhayan, igiit ang ideya ng pag-unlad ng pagpapauna ng mga mamamayan, mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan, mapasulong ang usapin ng karapatang pantao, at mapasulong ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng bansa.
Sinabi pa niya na dapat totohanang pasulungin ng buong partido ang pagsasagawa ng naturang batas para mas mabuting maigarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.
Salin: Lito