Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Civil code, pasusulungin ang mas de-kalidad na pangangasiwa ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-05-26 15:46:17       CRI

Sa dalawang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o National People's Congress (NPC) ng Tsina at Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), ang isa sa mga paksang pinag-uukulan ng pinakamaraming pansin ng mga tao ay pagsusuri sa panukalang civil code. Kung ipapasa ang pagsusuri, magsisilbi itong kauna-unahang batas sa Tsina na pinangalanan bilang "code."

Sa masusing taon ng pagsasakatuparan ng pagpawi sa karalitaan at komprehensibong pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan ng Tsina, hindi lamang magbubunsod ang civil code ng malalimang impluwensiya sa pamumuhay ng bawat mamamayang Tsino, kundi makakapagpasulong din sa pagkakaroon ng kakayahan sa pangangasiwa sa bansa ng bentahe ng sistema ng Tsina.

May 7 bahagi, 84 chapter at 1,260 artikulo ang nasabing panukalang civil code. Malinaw ang mga alituntunin sa civil code kaugnay ng mga mainit na isyung pinag-uukulan ng pansin ng mga mamamayan na gaya ng pagkumpleto ng nilalaman ng karapatan sa nakontratang lupain sa kanayunan, mas malinaw na ng mga regulasyon ng transaksyon sa enterprise market, cyber manhunt at iba pa.

Kabilang dito, ang pinakamalaking tampok sa civil code ay paglalakip ng karapatan sa personalidad bilang isang nagsasariling bahagi. Kauna-unahan ito sa mga civil code ng iba't ibang bansa. Nagpapakita ito ng katotohanang nagiging mas masagana ang uri ng karapatan sa personalidad sa internet age. Ipagkakaloob nito ang garantiyang pambatas sa iba't ibang uri ng impormasyon ng mga indibiduwal na may kinalaman sa pagkilala ng identidad ng mga tao.

Ang paglulunsad ng civil code ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng Tsina ng target ng komprehensibong pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan. Makakapagpasulong ito sa proseso ng komprehensibong pangangasiwa ng Tsina alinsunod sa batas, mainam na maggagarantiya sa mas maligayang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa hinaharap, at makakapagpasulong din sa katwiran at katarungan ng lipunan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>